Search the web for more about Marian Rivera

Custom Search

Thursday, January 17, 2008


Halikan nina Marian at Richard umaabot ng take 8

Masaya ang first presscon ng My Best Friend’s Wedding, dahil game sina Richard Gutierrez at Marian Rivera sa pagsagot sa mga tanong ng press. Maintriga rin ang gabing ‘yun sa mga one-liner ni Mother Lily, kung saan ang Regal Entertain­ment at co-producer ng GMA Films sa movie na showing sa February 13 at ang premiere night ay sa February 10.
Maganda ang sinabi ni Marian na wala pa man siya sa Marimar at mother roles pa lang ang ginagawa sa TV, binabati na siya ni Richard. Hindi raw alam ng actor, naiilang siya dahil big star ito at guwapo pa at pinapansin siya.

Refreshing naman kay Richard na makatra­baho si Marian na bukod sa maganda’y magaling na aktres pa raw. Nakaka-bilib din ang energy level nito kahit puyat sa taping. Nagkasundo rin sila’t parehong mahilig kumain. Naloka nga kami’t may baong chocolate bars sa kanyang Louis Vuitton bag ang actress.

Sample naman ng one-liner ni Mother Lily ay “I think their team-up is better than the Richard-Angel (Locsin) team-up and I leave it that way.”

Pinalabas sa presscon ang first trailer ng movie sa direksyon ni Mark Reyes at totoo ngang nakakatawa siya. Sa SOP sa Sunday, unang mapapanood ang trailer ng movie na ang theme song na All I Need ay kinanta ng Shamrock.

Maraming kissing scenes sina Marian at Richard, may kissing scene sa tuyo at may kissing scene sa basa. May isang kissing scene rin ang dalawa na inabot ng take 8 at kung bakit, hindi nabanggit.

Birthday nina Richard at Raymond sa January 21, pero wala silang bonggang party. May simple dinner lang sila with their family. Ang green Porsche Cayenne ang gift ng actor sa sarili na dala niya sa presscon, pero itinago yata’t hindi nakita ng press. Ang hinihingi nitong birthday gift kay Marian ay ipagluto siya ng sinigang na specialty daw ng dalaga.


Marian and pulgoso

Search the web for more about Marian Rivera

Custom Search